Ako ay si Martin Nathan S. Alberto sa klase ng 1Amid ng College of Commerce sa University of Santo Tomas.Ito ang lahat ng impormasyon na nakuha ko sa mga sarbey na pinasagotan ko sa mga tao galing sa College of Commerce. Itong sarbey ay tinulungan ako magisip at magbago sa pagtingin ko sa edukasyon. Sana makatulong din ito sa ibang estudyante na may problema pumasok ng maaga.Sino man ang makabasa ng itong pananaliksik ay sana makatulong at magbigay ng mabuting impormasyon sa kanila.
Ang mga sagot sa sarbey ng 20 iba’t ibang tao sa College of Commerce tungkol sa pagiging late ng estudyante.
1. Ano, sa tingin ninyo,ang mga nawawala o nagiging problema ng mga late comer?
Ang mga nawawala o nagiging problema ng mga late comer ang sumusunod:
a) Nagiging kasanayan ito
b) Pangit ang time management nila
c) Maaring bumagsak ang estudyante
d) Mami-miss nila ang mga leksyon
e) Wala silang attendance
f) Hindi maka habol sa mga diskusyon
g) Hindi sila makakakopya ng leksyon
h) Hindi nila maaabutan ang mga announcements
i) Umaasa lagi sa mga kamag-aral
2. Ano ang maaaring mangyari sa kanila sa hinharap?
Maaring mangyari sa hinaharap ang mga sumusunod:
a) Mahihirapan humanap ng trabaho sa hinaharap
b) Baka madala nila it sa trabaho nila sa hinaharap
c) Maaring hindi sila pagkatiwaalan ng tao kasi lagi silang late
d) Baka bumagsak sa klase
e) Makakuha ng mababang marka
f) Bumabagsak dahil sa pagiging absent
g) Makakasanayan nila ito
h) Hindi makagawa ng mga gawain sa klase
i) Mahihirapang humabol sa leksyon
j) Pwedeng maging dahilan ng hindi pag-unlad sa buhay
3. Anong maipapayo ninyo sa kanila?
Ang mga payo:
a) Magbago na habang maaga pa
b) Alalahanin ang importansya ng oras
c) Magkaroon ng disiplina sa sarili
d) Magpagising sa mga magulang
e) Kailangan may determinasyon ang estudyante
f) Gumawa ng time skedul at sundin
g) Gawing advance ang relo
h) Maghanap ng inspirasyon
i) Isipin nila na nakasalalay doon ang grade nila
j) Mag dorm upang hindi mahuli sa klase
k) “Kapag kaya mo, kaya mo…kung ayaw mo sumuko, huwag kang susuko…kung gusto mo, gagawa ka ng kahit na anong paraan para magawa mo ang kaya mo.”
Ako ay nag pasarbey sa mga Professor ng College of Commerce. Ang iba sa kanila ay sina Roderick Pascual, Erika Puno, Mercurio Elenzano, Maureen Valerio, Myrna De Vera, Emelito Sarmago, Rose Marie Magno, Vivean Magbata at Nora Castilolo.Ito ang summary ng sarbey sa labing dalawang propesor tungkol sa mga estudyanteng late sa klase.

Lahat ng professor ay sumagot na hindi sila sangayon sa pagiging late ng estudyante.
1. Bakit po hindi kayo sangayon sa mga late comer sa klase?
Hindi sangayon ang mga propesor sa pagiging late sa klase dahil nagenroll ang estudyante para sa klaseng ito, obligasyon niya ang pumasok sa takdang oras at matuto ng “punctuality” o dumating sa takdang oras. And hindi pagpasok sa takdang oras ay nagpapakita ng kawalang galang sa propesro at mga kaklase , nakakaistorbo at nagbibigay daan lamang sa paguulit ng leksyon.
2. Ano-ano ang mami-miss nila sa klase?
Ang mga late comer ay mami-miss ang pagkuha ng attendance ng propesor, mga ibinigay na instructions, pagbabalik aral at pagpasa ng takdang aralin. Nami-miss din ang simula ng diskusyon o leksyon ng dapat talakayin lamang sa isang oras. Maari rin ma-miss o magkulang sa oras and estudyanteng late sa pagkuha ng pagsusulat o seatwork.
3. Ano ang disadvantages ng late comer sa estudyanteng pumapasok sa takdang oras?
Ang disadvantages ng latecomer kasya sa estudyanteng pumapasok sa oras ay mas mauunawaan nito ang leksyon. Ang late comer ay madaling bumagsak at nagkakroon ng minus sa CS dahil sa walang quiz o kulang ito sa oras para sa quiz, nami-miss ang mga importante sa leksyon at magkakaroon din ang propesor ng ideya na walang interest ann estudyante at maaaring maging “bad shot” ito.

4. Ano ang maipapayo ninyo sa kanila?
Matuto maging punctual sa pagpasok sa takdang oras. Maaring magawa ito sa pamamagitan ng sumusunod na paraan:
a) Gumising ng maaga
b) Bumili ng relo at gawing advance para hindi malate
c) Alalahanin ang oras
d) Umalis ng mas maaga papunta sa paaralan
e) Kung pupunta ng CR, pumunta at bumalik kaagad
Dapat maging responsible ang mga estudyante at pahalagahan ang edukasyon upang sipagin pumasok sa tadkang oras.